IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa kuwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) fund.
Nasa 350 Navoteños na nag-apply para mag-renew ng kanilang solo parent identification cards ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy.
Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay parte ng serye ng pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod.
“All Navoteño solo parents are qualified to receive the financial assistance. Visit our City Social Welfare and Development Office, go through the necessary registration and verification, and wait for the schedule of the next payout,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ang Saya All, Angat All program ay tumatakbo ng buong taon at nakinabang ang nasa 1,000 pang solo parents kung saan ang unang batch nito na binubuo ng 195 mga benepisyaryo ay nakatanggap ng kanilang tulong pinansyal noong nakaraang Marso.
Ang Navotas, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.
Bukod dito, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco ang co-authored ng House Bill 8097, na naglalayong palawikin ang benepisyo sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act kabilang ang P1,000 cash subsidy, scholarship programs at grants, 10% discount at VAT exemption, automatic Philhealth coverage, 7-day parental leave with pay, at iba pa. EVELYN GARCIA