PAMAMAHALA NG 6 AIRPORT INILIPAT NG CAAP SA BARMM

CAAP

PORMAL  na inilipat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pamamahala ng anim na airport sa Bangsamoro Autnomous Region in Muslim Mindanao.

Ang mga airport ay kinabibilangan ng Awang Airport sa Maguindanao del Norte, Wao at Malabang Airport sa Lanao del Sur, Sanga-Sanga Airport sa Mapun turn airstrip sa Tawi-Tawi at Jolo Airport sa Sulu.

Ang paglilipat ng pamamahala ng anim na airport sa BARMM, ay batay sa memorandum on transfer of assets and function na nagpagkasunduan ng dalawang panig noong September 2022, at bilang pagsunod sa RA No. 11054 o

kilala na Bangsamoro Organc Law (BOL) ng Bangsamoro Autonumous Region of Muslim Mindanao.

Nakapaloob din sa memo na mananatili sa CAAP ang air side (air traffic control tower, air navigation equipment and facilities) management and control sa mga naturang airport. Froilan Morallos