PAMAMAHALA NI BBM SA DA, DULOT AY KAAYUSAN SA AGRIKULTURA

Joe_take

ANG HAMON ng bansa sa industriya ng agrikultura ay napakalaki na tuluyan nang inako ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahala nito upang resolbahin ang food crisis na nagpapataas sa inflation rate.

Sa isang press conference lamang kamakailan, sinabi ni BBM na ang kanyang pansamantalang pamamahala sa Department of Agriculture ay hindi lamang magpapakita kung gaano pinaprayoridad ng pamahalaan ang sektor na ito, kundi upang pabilisin din ang mga proseso sa departamento.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang headline inflation rate noong nakaraang buwan ay pumalo na sa 5.4 porsiyento, ang siyang pinakamataas na datos mula noong Disyembre 2018.

Noong Mayo 2021, ang inflation rate ay nasa 4.1 porsiyento lamang.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng inflation rate ay dahil sa annual growth sa food at non-alcoholic beverage index na nasa 4.9 porsiyento, at sa transport index na nasa 14.6 porsoyento.

Samantala, ang food inflation sa national level ay tumaas din sa 5.2 por- siyento mula sa 4.0 porsiyento noong Abril. Kumpara sa kaparehong buwan noong 2021, ang food inflation ay nasa 3.7 porsiyento lamang.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng food inflation ay dulot ng double-digit annual growth sa presyo ng gulay, tubers, plantains, saging, at pulses index na nasa 15.2 porsiyento sa kasalukuyan.

Dagdag pa, ang oil at fats index ay umakyat din sa 13.6 porsyento.

Ang ating ekonomiya ay lubhang nakadepende sa industriya ng agrikultura.

Sa katunayan, ang sektor na ito ay nagbibigay ng 10 porsiyento ng kontribusyon sa ating gross domestic product (GDP) at 25 porsiyento ng employment.

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga lupain na maaaring gamitin sa pag- sasaka, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong hinahamon ng problema sa food insecurity dahil sa mga kalamidad na sumisira sa mga produk- tong pang-agrikultura.

Kung ating iisipin, ang food security sa ating bansa ay higit na nakadepende sa sektor ng agrikultura, kaya ang mga hamon para sa ating magsasaka at mangingisda ay nagbibigay ng masamang epekto sa ating bansa.

Dagdag pa, nakaaapekto rin ang kakulangan sa farm-to-market roads na si- yang kumokonekta sa mga magsasaka at mangingisda sa mga pangunahing merkado. Ang hamon na ito ay malaking dagok para sa mga magsasaka at mangingisda sapagkat sa halip na ibenta ang mga produkto sa merkado ay nauunahan na sila agad ng kanilang panghihinayang upang magbenta. Bilang resulta, napakalaki rin ang kita na nawawala sa kanila.

Sa kabutihang palad, bilang susunod na pangulo ng bansa at tagapamahala ng DA, ang presensiya ni BBM ay agad na nating panalo dahil higit nyang magagamit ang kanyang kapangyarihan bilang pres- idente sa pagsasaayos at pagresolba sa food crisis ng bansa.

Bukod pa rito, napakalawak ng kaalaman ni BBM sa industriya ng agrikultura dahil sa kanyang karera sa politika na itinuon niya sa Ilocos Norte na isa sa mga agrikultural na probinsya.

Hindi man malulutas nang ganoon kadali at kabilis ang ating problema sa agrikultura, asahan nating ang pamamahala ni BBM ay magdudulot ng kaayusan sa DA at makatutulong sa ating mga lokal na magsasaka habang hindi pa niya nahahanap ang tamang tao upang pamahalaan ang kawaning ito.