INIHAYAG kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na siya ay tinamaan ng COVID-19 pero sa kabila nito ay tuloy ang pamamahala sa lungsod nang walang abala o anupaman kahit sa gitna ng pandemiya.
Sa kasalukuyan, naka-confine ito sa Sta. Ana Hospital sa pangangalaga ng direktor nitong si Dr. Grace Padilla, kabilang din si Vice Mayor Honey Lacuna na nauna nang nahawahan ng COVID-19 noong Agosto 5 at nagpositibo matapos ang tatlong araw.
“We will continue to work. We made a commitment sa tao na hindi natin sila iiwan. Let us trust in God’s healing,” anang alkalde.
Bago nagpositibo sa COVID, sinabi ni Moreno na nagkaroon siya ng sintomas tulad ng ubo, sipon, pananakit ng ulo at bahagyang lagnat maliban dito ay okey naman ang kanyang pakiramdam.
Nanawagan si Moreno sa lahat ng Manileño na: “keep safe, stay home as much as possible and get vaccinated as soon as possible.”
Sa kabila nito, tuloy ang lahat ng gawain sa lungsod tulad ng pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program o SAP, gayundin ang iba pang gawain na nagbibigay benepisyo sa mga residente tulad ng mass vaccination program depende sa ibibigay na bakuna ng national government.
Gayundin, itinalaga ni Moreno si city administrator Felix Espiritu para tumanggap sa mga donasyon darating. VERLIN RUIZ
727154 323179I adore foregathering valuable data , this post has got me even a lot more information! . 480743