PAMAMAHALA SA PAGKAWALA NG MOISTURE SA BAGONG HALONG CONCRETE

Alam ng mga mason at karpentero na may tamang timpla sa semento para makuha ang tibay na gusto. Dapat, mas marami ang semento kesa tubig. Pero paano naman kung masobrahan nga ang tubig lalo pa ngayong madalas bumuhios ang ulan? Hindi naman natin pwedeng sabihin bulas ka na lang umulan dahil naghahalo pa ako ng semento.

Sa totoo lang, wala namang problema dahil lalabas ang tubig sa mga puwang kapag ini­lagay na ito sa pundasyon.

Gumagawa kasi ng natural exit ang sob­rang tubig na hindi nakakaapekto sa semento. Kung ilalagay na ang pundasyon, kusang humihiwalay ang tubig sa semento matapos na pagdikitin na parang glue ang mga bahagi nito. Sa mada­ling sabi, hindi ito dapat pang problemahin.

Gayunman, dapat pa ring mag-ingat na masobrahan ang timpla. Pigilan ang tubig mula sa paghihiwalay sa halo o isama sa halo sa pamamagitan ng pagtulak sa tubig pabalik dito. Titigas kasi agad kapag kakaunti ang tubig.

Kapag maayos na ang hulma, hayaan nang tumigis hanggang sa tumigas.

Kung mababaw ang tubig sa inyong lugar, at sa paghuhukay ng foundation ay may bumukal, hintayin ang isang araw para matuyo ito at saka lamang maglagay ng pundasyon.

Tandaang hindi magandang lagyan ng pundasyon ang saturated soils dahil malambot ito at hindi magiging stable ang anumang ilalagay dito liban na lamang kung pinatuyo na ito bago pa ilagay (precast).

Kung saturated nga ang lupa o hindi pwedeng madaliin ang paglalagay ng pundasyon, alisin muna ang putik. Ito ang nagpapawalang tibay sa semento. — NV

5 thoughts on “PAMAMAHALA SA PAGKAWALA NG MOISTURE SA BAGONG HALONG CONCRETE”

  1. 209019 193760Have read a couple of with the articles on your site now, and I really like your style of blogging. I added it to my favorites weblog site list and will probably be checking back soon. 788341

  2. 7833 244705Basically a smiling visitor here to share the really like (:, btw outstanding style . “Audacity, a lot more audacity and always audacity.” by Georges Jacques Danton. 994118

Comments are closed.