PINABABALIK sa gobyer no ang pamamahala sa water utilities upang magkaroon ng maayos na serbisyo at maisaalang-alang ang public health at safety ng publiko.
Ang mungkahi ay bunsod na rin ng patuloy na kawalan ng maayos na serbisyo ng water concessionaires at ang nakaambang pagtaas sa singil sa tubig.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, dapat na maibalik muli sa pamahalaan ang operation at maintenance ng waterworks system para matiyak na walang interrupted water supply sa mga kabahayan bilang ito ay napakaimportante para sa buhay ng mga tao.
Mula nang maging pribado ito simula 1997 ay tumaas ang basic tariff sa P2.00 hanggang P4.00 sa P34.00 hanggang P47.00 nitong 2018.
Katumbas ito ng 970% na dagdag na singil sa mga consumer ng Manila Water at 596% water rate increase sa mga kumukonsumo sa Maynilad.
Mula rin nang pumasok sa concession agreement ang MWSS sa dalawang water concessionaires ay kasama na sa pinapapasan sa publiko ang 12% VAT, 20% environmental charge at foreign currency exchange adjustment (FCDA).
Pinaniwala noon na ang privatization sa MWSS ay para maibaba ang singil sa tubig at dahil mas efficient ang mga private companies, ngunit lumalabas na nagmahal nang husto ang presyo ng tubig.
Dahil dito, pinamamadali ni Zarate na ma-review ang kasunduan na ito ng MWSS sa private companies gayundin ang pagbabalik-kontrol ng gobyerno sa mga water utilities. CONDE BATAC
Comments are closed.