PAMAMALENGKE SA PASAY NAKAISKEDYUL

ALINSUNOD sa pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte simula ngayon, Marso 29 hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 4 ay naglabas ng memorandum ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng Market Day Scheme para sa mga mamalengke sa pamilihang bayan ng lungsod.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kanyang inaprubahan ang proposal ng officer-in-charge ng Pasay City Public Market (PCPM) ang Barangay Based Market Day para sa susundin na araw sa pamamalengke ng bawat nasasakupang barangay sa lungsod.

Sa iskedyul ng pamamalengke para sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ay papayagang makapasok sa palengke ang mga residente ng Barangay 1-40, Barangay 68-92, Barangay 145-157, Barangay 183 at Barangay 187 hanggang Barangay 201.

Para naman sa isked­yul ng pamamalengke sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado, pinapayagan naq makapasok sa loob ng palengke ang mga residente ng Barangay 41-67, Barangay 93-144, Barangay 158-182 at Barangay 184 hanggang Barangay 186.

Ang araw naman ng Linggo ay nakalaan para sa mga mamamalengke na taga ibang lugar at frontliners.
Paalala sa mga residente na panatilihing nakasuot ang face mask at face shield kapag lumabas ng bahay dahil hindi ito puwedeng pumasok sa loob ng palengke.

Samantala, sinabi ni Pasay City Public Information Office (PIO) chief Eduardo “Jun” Burgos na wala pang inilalabas na kautusan kaugnay sa pag-iisyu ng quarantine pass na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “PAMAMALENGKE SA PASAY NAKAISKEDYUL”

  1. 475585 384938This is a very good subject to speak about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This write-up probably wont do nicely with that crowd. I will probably be sure to submit something else though. 29318

Comments are closed.