PAMAMARIL SA BRGY CHAIRMAN KINONDENA

MARIING kinondena ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang walang awang pagpatay sa isang Brgy chairman ng Brgy Buli sa lungsod ng Muntinlupa.

Base sa initial report nitong Miyerkules ng gabi, bandang alas-10:16 ng gabi ay walang-awang pinagbabaril si Kap. Ronaldo Loresca sa tapat ng isang tindahan sa M.L. Quezon Street, Brgy. Buli sa Muntinlupa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya, pero ayon sa initial reports, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril sa Brgy. chairman.

Ipinag-utos na ni Mayor Biazon sa Operations Center na i-review ang mga CCTV gayundin sa PNP-Muntinlupa ang agarang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.

Ayon sa alkalde, walang puwang ang karahasan sa Muntinlupa kung saan tiniyak nito na hindi titigilan ang imbestigasyon hanggat hindi nakakamit ang hustiya. CRISPIN RIZAL