PAMAMARIL SA SPORTS EVENT SA MSU KINONDENA NG PSC

William Ramirez

MARIING kinondena ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangugulo ng ilang indibidwal sa ginanap na sports event sa Mindanao State University (MSU) nitong Disyembre 2.

Sa opisyal na pahayag ng PSC Board, sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, iginiit ng sports agency na nangangasiwa sa amateur sports, na walang puwang sa sports ang anumang uri ng karahasan at hiniling sa mga mamamayan na maging mapagmatyag at mapanuri sa kapaligiran upang hindi na maulit ang mga kahalintulad na insidente sa isang pagtitipon para sa kapayapaan at selebrasyon ng sports excellence.

“Sports events should be a gathering of sportsmen whose love for equality and peace are fostered through physical exercise and movement.  We have been advocating Sports for Peace, in our programs and have held countless events in the area of Mindanao, recognizing the positive impact of sports in our quest for peace,” pahayag ng PSC Board.

Ayon kay Ramirez, kagyat siyang humingi ng pakikipagpulong sa council of elders sa Marawi upang matukoy ang ugat ng insidente at maisagawa ang mga programa para maabatan ang anumang suliranin, higit sentro ng sports development sa Mindanao ang Marawi City.

Iginiit din ni Ramirez na ang MSU  ay partner sa grassroots sports development ng PSC.

“Let us not allow people with a penchant for violence mar the success of sports in the grassroots level.  Let us all continue to be vigilant in our work for peace,” pahayag ni Ramirez.

Nabahiran ng kaguluhan ang isinasagawang Bangsamoro youth sports awarding ceremony sa grandstand ng MSU nang pagtulungan ng isang grupo ang isang estudyante, Nauwi sa pamamaril ang insidente nang tangkaing awatin ang naturang grupo. EDWIN ROLLON