Ni Jayzl Villafania Nebre
Atin pong kinapanayam si Anacoreto Cabral, 55, tricycle driver mula pa noong 2010, asawa ng isang public school teacher at may dalawang anak. Nakatira siya sa Barangay Dayap sa Nasugbu, Batangas.
Aminado si Mang Anacleto na kulang na kulang ang kanyang kinikita sa pamamasada para sa kanilang pamilya, lalo na noong panahon ng pandemya. Karaniwan daw kasi niyang kinikita ay P200 kada araw, maliban na lamang kung may okasyon, na minsan ay umaabot sa P400 hanggang P500. Hindi raw niya ito masyadong pinuproblema dahil titser naman ang kanyang asawa. Ang mahalaga umano ay maihatid niya ng at masundo ang kanyang asawa sa pinagtuturuang paaralan araw-araw, at kumita siya ng sapat na halaga na panustos sa kanilang pang-araw-araw na gastusin sa bahay tulad ng pagkain at malinis na tubig.
Ilang beses umano niyang tinangkang magtayo ng ibang negosyo ngunit hindi siya swerte rito, kaya napagkasunduan nilang mag-asawang bumili na lamang ng tricycle at gamitin itong pamasada.
At hindi siya nagkamali.
Mula nang makabili sila ng tricycle ay medyo guminhawa ang kanilang pananalapi, at hindi na rin nahihirapan ang kanyang misis na humanap ng masasakyan sa umaga. Kung minsan, kapag Sabado at Linggo, naaarkila rin ang tricycle papunta sa iba pang barangay, at doon siya kumikita ng malaki-laki.
Binili raw niya ng cash at brand new ang tricycle noong 2010 gamit ang perang para sana sa ibang negosyo.
Ngayon umano ay bawing bawi na siya sa kanyang puhunan at hindi siya nagsisising nag-tricycle driver na lamang siya sa halip na maging full-pledged businessman, dahil sa palagay niya, ito talaga ang negosyong bagay sa kanya.