PURNADA ngayong taon ang balak ng mga basurero at iba pang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na ituloy ang nakau-galiang pagbabahay-bahay para mamigay ng sobre upang manghingi ng pamasko.
Ito ay matapos na magpaalala ang Human Resource Management Officer ng lungsod na ipinagbabawal sa mga kawani ang pagso-solicit o pagtanggap ng regalo mula sa sinumang indibiduwal o grupong kanilang pinaglilingkuran.
Sakop ng kautusang ito ang mga nangongolekta ng basura, kaminero at iba pang empleyado ng City Hall.
Ayon sa HRMO, kung sakaling may lumapit para humingi ng donasyon, solicitation o nagpapanggap na taga City Hall ay agad na kunin ang pangalan at opisina at ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan.
Maaaring makontak ang Valenzuela City HRMO sa telepono bilang 8352-1000 loc. 1121/1124. EVELYN GARCIA/ VICK TANES
Comments are closed.