PAMAMASLANG SA LTO OFFICIAL KINONDENA

KINONDENA ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpatay sa isa sa mga opisyal ng ahensya sa naganap na pananambang sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

“The entire Land Transportation Office (LTO) family condemns in the strongest terms the killing of one of our own, Mercedita Gutierrez, in a gun attack in Quezon City on Friday, May 24,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.

Si Gutierrez ang hepe ng Registration Section ng LTO Central Office.

“This is a cowardly act and we assure her family and the public of our untiring efforts to coordinate with the Philippine National Police and closely monitor the investigation of this incident to bring all perpetrators of this crime behind bars,” ani Mendoza.

“On behalf of the men and women of the LTO, I extend my sincerest condolences to her loved ones, and likewise join them in seeking justice for this dastardly act,” dagdag pa nito.

Si Gutierrez ay binaril habang sakay ng Starex van sa kanto ng K-H Street at Kamias Road, Barangay Pinyahan, Quezon City, dakong alas-6:20 ng gabi nitong Biyernes.

Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari, isang motorsiklo ang humarang sa van na sinasakyan ng biktimang si Gutierrez at bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan ang biktima ng dalawang beses.

Tumangging magbigay ng karagdagang komento ang LTO habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at alamin ang tunay na motibo sa insidente ng pamamaril.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan na bumuo ng SITG “Gutierez”. EVELYN GARCIA