(Pagpapatuloy)
MAYROON ding makukulay na pista ang nagaganap ngayong buwan ng Mayo at sa buong taon—nariyan ang Kadayawan sa Davao, Pahiyas sa Quezon, Flores de Mayo, at marami pang iba.
May nakabibighani rin tayong mga sayaw kagaya ng sa mga Kalinga at T’boli, at iba pang mga katibayan ng ating bukod-tanging kultura at sining.
Ang pagkain ay isa ring napakahalagang bahagi ng anumang kultura, at alam nating lahat kung gaano kalawak at kayaman ang ating yaman sa kusina. Ang mga lengguwahe ay kasama rin, kasama ng iba’t ibang anyo ng sining kagaya ng musika, sining biswal, panitikan, teatro, at iba pa.
Narito ang isang mahalagang gawain: Importanteng maintindihan at matutunan ito ng mga kabataan, at isa sa mga paraan upang ito ay magawa ay ang pagsali ng edukasyong pangkultura sa ating mga curriculum. Gawin natin ito para naman mas malalim ang maging pang-unawa at pagmamahal ng ating mga kabataan sa kanilang pamanang pangkultura. Kung maayos natin itong maisasagawa, ang bunga nito ay dangal para sa lahi at matibay na pagkakakilanlan sa sarili.
Ang pangangalaga sa mga ito ay kinakailangang makasabay sa mabilis na pag-unlad ng mundo upang maprotektahan ang pamanang pangkultura para sa mga susunod na henerasyon. Kinakailangang isaisip ito ng mga nagpapatupad ng mga aktibidad para sa buwang ito ng Mayo (National Heritage Month/Pambansang Buwan ng Pamana) — ang ibilang ang mga komunidad sa mga gawaing nabanggit, kasama na ang pagpapalaganap ng mensahe at impormasyon.
Sa pamamagitan ng pangangalaga ng pamana ng bansa, masisiguro nating patuloy na tutulong ang kasaysayan sa paghubog ng ating kinabukasan.