EVERYTIME na magpapalahi tayo ng manok ay alam naman natin siguro na doon tayo sa side ng pilian ng materyales na walang diperensiya o anumang kapintasan. Selection is the key, ika nga.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, dapat na mag-set tayo ng standard kung ano ba ang gusto natin at siyempre, lahat naman tayo ay aim naman natin ay manalo ang ating palahi.
“Dapat may pangalan ang lahi na na-produce mo at ‘yon ay ikaw ang magbibigay kasi para sa akin, propagator ka lang ng pinagkuhanan mo ng materyales kung ito ay walang pangalan,” ani Doc Marvin.
“Anuman ang name ng linyada ay puwede dahil ‘yon ay karapatan ng breeder/owner na pangalanan at ‘yon po ay dapat nating irespeto, hindi pagtawanan. Naalala ko pa ang unang linyada namin magpipinsan, pagkapanalo sa tupada at may nagtanong kung ano daw lahi ang aming sagot: minsan manok, minsan baboy. Kasi ang patuka gamit ay pangmanok (concentrate) at kapag naubusan ng patuka ang sunod ay feeds ng baboy!” dagdag pa niya.
Aniya, maximum na tatlo o hanggang apat na linyada lamang at be specific sa kulay ng paa, yellow leg sa yellow leg at green leg sa green leg etc. para hindi sumabog ang quality.
“Mahirap po na masyadong marami ang crosses ng isang linyada dahil kalimitan ang iyong paa ang magko-cross sa oras ng laban. In respect po sa ating lahat, kung nanalo na po tayo sa ating ginagawa/ program ay huwag na po nating babaguhin. Anumang bagay ang ating gagawin sa ating pagmamanok ay dapat kaya nating ipaliwanag kapag may nagtanong ng ‘bakit’ dahil kung hindi ay masisira lamang ito!” ani Doc Marvin.
Sa pagpatak po ng mga dahon mula sa mga punong-kahoy sa isang manukan kasunod na rin po ang pagbagsak ng kanilang pakpak, buntot at balahibo ‘molting’.
“No choice po tayo kung hindi sila ay palugunan na, ang kanilang pangunahing kailangan ay malinis na tubig, balansiyadong pagkain at tamang tirahan,” sabi pa ni Doc Marvin.
“Ang tubig ay palagi po dapat mayroon, pagkain ang ratio ay 70 percent grains 30 percent pellets kaya po palaging marami ang grains ay para tuloy-tuloy ang function ng gizzard/ balunbalunan para siya ay hindi maging ampaw o lambutin at ang kanyang tirahan ay dapat movable/maililipat-lipat na kung ano ang lapad ay siya rin ang pagitan upang sa ganon ito ay naaarawan. Ang pagmamanok po ay dapat hindi nagmamadali kasi ang iyong makakasalubong ay napakatalas na tari at ang nagmamadali ay lalo lamang pong naiiwanan!” dagdag pa niya.
You are so cool! I don’t suppose I’ve truly read through anything like this before.
So great to discover another person with some unique thoughts on this subject.
Really.. thanks for starting this up. This site is
something that is needed on the internet, someone with some originality!