PAMASKONG HANDOG PARA SA BALIKBAYAN

BALIKBAYAN-1

HINDI nga naman maitatanggi ang ginagawang pagsasakripisyo ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mahal sa buhay. Kasabay nga naman ng pagbibigay ng magandang buhay sa mga naiwan dito sa bansa ay ang kanilang pangungulila at kalungkutan.

Hindi na rin kasi mabilang ang mga kababayan nating mas pi­nipiling magtrabaho sa malalayong lugar para sa kinabukasan ng kanilang mahal sa buhay. Malungkot ngunit ang ilan ay walang mapagpipilian kundi ang umalis. Sa kanilang pag-alis nga naman nakasalalay ang magandang buhay na hinahangad nila para sa pamilya.

Nakalulungkot sapagkat marami ang kinailangang lumayo para magtrabaho. At dahil sa kadakilaan ng mga kababayan nating nagtatrabaho at nagsisikap sa ibang bansa, naghandog ang SM at BDO ng isang event na puno ng iba’t ibang sorpresa, giveaways at raffle prizes na makapagpapaligaya sa mga balikbayan—ang taunang “Pamaskong Handog” na ginanap kamakailan lang sa SM Mall of Asia Music Hall.

Natatangi ang nasabing okasyon sapagkat naka-dedicate ito sa overseas Filipinos at kanilang pamilya. Pitong taon na ang nasabing event na nagsimula noong 2012. Isa rin ito sa matatawag na pinakamalaki at most heartwarming Christmas celebration ever.

Lalo ring namukod-tangi ang event dahil sa pagdating ng mga most in-demand artists gaya nina Piolo Pascual; Sam Milby; Moira Dela Torre; “Tawag ng Tanghalan” finalists TNT Boys, Anton Antenor Cruz and Jenny Gabriel; comedian Donita Nose at host na sina MC at Lassie.

Tampok din sa nasabing event ang BDO’s social media personality dubbed as  Boss Teteng na ang Facebook videos ay umani ng millions of views sa kanyang nakatatawa at entertaining na tips sa Filipinos overseas, gayundin ang SM’s cheerful elevator girl na si Cheridel.

Hindi maitago ang kaligayahan ng ilang balikbayan sa nasabing pagtitipon.

Ayon pa kay Erminda Clarito, 65-anyos at nagtatrabaho sa Canada ng mahigit na 30 na taon:

“Nagulat ako. May ganu’n pala. Ang da­ming surprises and giveaways.”

“First time ko naramdaman ang pagpapahalaga sa aming sakripisyong mawalay sa pamilya, parang family bonding na rin namin ngayong Pasko,” sambit naman ni Bernardo Vergara, 53-anyos at mahi­git na anim na taon nang nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

BALIKBAYAN-2
SINALUBONG ng ngiti at sorpresa ang mga dumalo sa “Pamaskong Handog” na alay sa mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa at sa kanilang pamilya. KUHA NI EUNICE CELARIO

Kagaya rin ng maraming Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, isa si Evangeline Buno sa naging motibasyon ang pamilya. “Motivation ko ang apo at mga anak ko. With BDO, parang katabi mo lang ang pamilya mo, Hangga’t kaya ko magpadala, gagawin ko.Totoo rin ‘yang we got it all for you ng SM. Lahat ng kailangan ng pamilya ko kumpleto. Salamat sa SM at BDO, wika pa ni Evangeline na nagtatrabaho sa Macau ng mahigit na 30 na taon.

“More than 20 years na ako sa BDO. More than everything, it’s their service. ‘Yung retirement ko natatanggap ko ngayon sa aking BDO account,” pagbabahagi naman ni Violeta Suyong na kare-retire lang matapos ang 31 taong pagtatrabaho sa France.

Proud din naman si Susana Batalla na nakabase sa Italy. “Lahat sa pamilya ko, pinag-open ko ng Kabayan Savings. Ang aking pamilya ay napagsisilbihan ninyo.  Maganda ang asikaso ng BDO sa akin sa Italy, lalo na ang service ng mga staff. Lahat din kami ay suki ng SM. Walking distance lang sa amin”.

“Christmas is the time when Overseas Filipinos are excited to spend Christmas with their families. This is why Pamaskong Handog has become our annual tribute to our kababayans as we would like them to feel welcome and honored while they are here. We also make sure that our products and services as well as the other efforts of the bank such as special events are anchored on their needs, not to mention our international offices’ active participation in Filipino community events overseas. This year’s Pa­maskong Handog event was also held in time for the International Migrants Day,” ani BDO Remittance Senior Vice President and Head Genie Gloria.

“SM shares the same mission of giving honor, gratitude and joy to the overseas Filipinos in return for their hard work and sacrifice. The goal is to make them feel special and let them experience once again how Filipinos celebrate Christmas,” saad naman ni Supermalls Joaquin San Agustin, SVP for Marketing of SM Supermalls.

Hindi lamang ang Pamaskong Handog ang magiging collaboration ng pinakamalaking chain of shopping malls at country’s biggest banks dahil marami pa silang nakalinyang gagawin o activity sa susunod na taon.

Comments are closed.