PAMASKONG ROLLBACK INAASAHAN

PETROLYO-14

NAG-ABISO na ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad ang mga ito ng rollback kasabay ng papalapit na Pasko.

Unang nagtapyas-presyo ang Unioil kanina, Disyembre 22, alas-6 ng umaga para bigyang-daan ang mga motorista na makina-bang sa mababang presyo bago mag-holiday rush.

Rollback ng Unioil:

Gasolina— P1 kada litro; Diesel—P1 kada litro.

Narito naman ang estimated retail pump prica movement ng JETTI Petroleum para sa susunod na linggo:

Diesel —P0.85 hanggang P0.90 kada litro; Gasoline —-P0.80 hanggang P0.85 kada litro.

Ang mga nabanggit na presyo ay subject to change depende sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at  forex trading.

Comments are closed.