Muling binubuksan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang aplikasyon para sa Pambansang Kampong Balagtas 2020!
Ang Pambansang Kampong Balagtas 2020 ay isang seminar-workshop ng mga kabataang manunulat ng tula, maikling kuwento, at sanaysay kasama ang gurong tagapayo ng kanilang pahayagang pangkampus. Para sa taong 2020, mangyayari ang seminar-workshop sa Orion Elementary School, Orion, Bataan, sa 2–4 Abril 2020.
Alinsunod ang programa sa Proklamasyon Blg. 964, na may petsang 11 Pebrero 1997, na nag-aatas sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na manguna sa pagdiriwang ng taunang Araw ni Balagtas.
Ang mga tuntunin at hakbang sa aplikasyon at pagpili ng mga kalahok sa Pambansang Kampong Balagtas 2020 ay ang sumusunod:
- Ang seminar-workshop ay bukás sa lahat ng mga mag-aaral na nása baitang 7–11 na kasapi at nakapaglathala na sa pahayagang pangkampus ng paaralan, kasama ang kanilang gurong tagapayo para sa pahayagan. Hindi maaaring sumali sa kumperensiya ang mga kaanak ng mga kawani ng KWF at mga naging kalahok ng nagdaang Kampong Balagtas.
- May dalawang opsiyon para sa aplikasyon:
b1. sa pamamagitan ng koreo:
Lupon sa Kampong Balagtas 2020
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
b2. sa pamamagitan ng Pambansang Kampong Balagtas onlayn na aplikasyon: https://forms.gle/wDZatfp1TLSFUvXs7
- Magpapása ang paaralan ng tatlong (3) kopya ng pahayagang pangkampus na nailathala sa mga taóng 2018–2019. Kinakailangang maglaman ang mga pahayagan ng mahuhusay na akdang nása wikang Filipino at/o nasa katutubong wika na may salin sa Filipino, at orihinal na isinulat ng mga aplikanteng mag-aaral. May sumusunod na kahingian para sa mga kalahok ng alinmang kategorya (tula, maikling kuwento, sanaysay) na nais lahukan: 3–5 tula, 2 maikling kuwento, at 2 sanaysay.
- Para sa mga magsusumite sa pamamagitan ng koreo, kasama sa ipapásang kopya ng mga pahayagang pangkampus ang sumusunod:
- pormularyo ng paglahok
- pormularyo ng pahintulot ng magulang
- rekomendasyon ng tagapayo ng pahayagang pangkampus
- pahintulot ng prinsipal o superbisor (nagsasaad na pinahihintulutang dumalo sa gawain ang aplikanteng mag-aaral at guro sa 1-4 Abril 2020)
Para sa mga magsusumite sa pamamagitan ng onlayn na aplikasyon, mangyaring punan lamang ang mga kinakailangang impormasyon sa link na: https://forms.gle/wDZatfp1TLSFUvXs7
- Pipili ang KWF ng 150 mag-aaral na lalahok sa kumperensiya batay sa mga ipinasang pahayagang pangkampus. Makatatanggap ng anunsiyo mula sa KWF ang mga mag-aaral at tagapayo hinggil sa pagkakatanggap nila sa Pambansang Kampong Balagtas.
- Tungkulin ng mga aplikanteng tiyakin na ganap ang kanilang pagdalo sa gawain mula 1 Abril hanggang 4 Abril. Mangangahulugan itong hindi magiging problema ng KWF ang anumang conflict of schedule sa ibang aktibidad na kailangang daluhan ng aplikante sa 2-4 Abril 2020 (gaya sa moving up ceremony, pagtatapos, atbp) at naisaayos na ng mga aplikante ang mga kinakailangan nilang permiso para makadalo sa kampo. Ang tuntunin na ito ay upang mailaan ang slot sa kampo para sa mga tiyak na dadalo sa gawain at maiwasan ang biglaang pagba-backout sa event. Maaaring gamitin ang pormularyo sa pahintulot ng prinsipal o superbisor hinggil sa bagay na ito.
- Sasagutin ng KWF ang pamasahe, pagkain, at akomodasyon ng mga kalahok sa Pambansang Kampong Balagtas.
- Ang hulíng araw ng pagtanggap ng mga aplikasyon ay sa 22 Nobyembre 2019, 5 nh.
Para sa ibang detalye o impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa telepono blg. (02) 736-25-19 o sa pamamagitan ng email na [email protected].