PAMBANSANG PABAHAY PARA SA MGA QUEZONIAN

SUPORTADO ni Quezon Gov. Helen Tan ang Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Katuwang ni Gov. Tan sa kanyang mga programa at proyekto ang kanyang anak na si Cong. Atorni Mike Tan.

“Isinagawa ang pinakamalaking Memorandum of Understanding (MOU) sa loob ng isang araw simula nang ipinatupad ang programang ‘Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino’ (4PH) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor [Tan] kasama ang 31 punong bayan sa lalawigan at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa papamagitan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar [nitong] Abril 3,” wika ni Gov. Tan.

Sinabi ng masipag na gobernadora na “layunin nitong makapagbigay ng disente at abot-kayang pabahay para sa ating mga kalalawigan.”

Labis ang pasasalamat ng ina ng lalawigan sa DHSUD “sa pakikipagbalikatan sa probinsya at mga munisipalidad nito upang maisulong ang implementasyon ng programang pabahay para sa mga Quezonians.”

Napag-alaman naman kay Gov. Tan na “isang bagong satellite market ang handog [nito] sa Barangay Mapulot sa bayan ng Tagkawayan para sa mas masiglang kabuhayan at payapang kalakalan ng mga mamamayan.”

“Pinangunahan natin ang blessing ng bagong Multi-Purpose Covered Court na handog natin para sa ating mga minamahal na mamamayan ng Barangay Payapa sa bayan ng Tagkawayan,” sabi ni Gov. Tan.

Kamakailan naman, kung hindi ako nagkakamali, nagsilbing panauhing pandangal at guests speaker din ang gobernadora sa isinagawang District Champaca Assembly/Barangay Assembly Day ng bayan ng Lopez para sa 1st Semester of CY 2023.

“Nakasama natin ang LGU at ang mga kawani ng bawat barangay sa bayan ng Lopez sa isang makabuluhang talakayan patungkol sa kung paano mas mapapabuti ang paglilingkod sa ating mga minamamahal na mamamayan,” masayang pahayag ni Gov. Tan.

“Katulad ng kung paanong ang isang munting pananim ay may kakayahang yumabong at maging isang malagong punong kahoy, ang ating mga kabataan upang maging pag-asa ng bayan ay kailangan nating bigyan ng kapasidad at paggabay upang maabot ang kanilang potensyal.”

Well, mabuhay po kayo, Gov. Helen Tan at Cong. Mike Tan, at God bless!