NAGING standout ang magandang performance ng 24-anyos na pambato ng Filipinas na si Catriona Gray sa preliminary competition ng Miss Universe 2018 sa Thailand.
Naniniwala ang founder ng kilalang pageant website na si Norman Tinio na marami ang humanga sa performance ng Filipino-Australian model sa preliminary competion kung saan rumampa ito suot ang pink na swimsuit.
Nangibabaw sa ibang mga kandidata ang tinatawag na lava walk at slow motion turn ni Catriona na hinangaan ng fans.
Lalo umanong humanga ang lahat nang rumampa na ang beauty queen suot ang “Ibong Adarna” inspired na gown na gawa ng Pinoy designer na si Mak Tumang.
Ang nasabing gown ay hango sa Ibong Adarna, Phoenix at Mikimoto Crown.
Sinabi ni Tinio tiyak na magugulat ang lahat kapag nalaman kung gaano kahirap ang ginagawang pa-ghahanda ni Catriona upang makuha ang pang-apat na Miss Universe title.
Comments are closed.