PAMBATO NG PINAS WAGI SA NATIONAL COSTUME

Gazini Ganados

NILINAW  kahapon ng Miss Universe Organization na nagwagi ang pambato ng Filipinas na si Gazini Ganados sa National Costume Competition ng beauty pageant na ginanap sa Atlanta, Georgia sa United States.

Inanunsiyo ng organisasyon ang kanilang pagli­linaw sa kanilang official Twitter account ang pagkakapanalo ni Gazini bilang Best National Costume  na   hango sa Philippine eagle.

Unang inanunsiyo ng host na si Steve Harvey na si Gazini ang nagwagi sa National Costume Competition kasabay ng pag-flash ng larawan nito sa screen, ngunit  inagaw  ang mike ng katabi ni Harvey  na si Miss  Malaysia Shweta Shekhon at  sinabi nitong siya ang nagwagi.

Nagpaliwanag naman  si Harvey at sinabing pagkakamali na ito ng teleprompter.

Binanggit din nito  ang insidente noong 2015 kung saan nagkamali rin siya ng nabanggit na panalo sa beauty pageant.

Comments are closed.