MAAARI na ngayong makautang ang mga estudyanteng kailangang bumili ng electronic gadgets para sa online learning mula sa Land Bank of the Philippines.
Ayon sa LandBank, pinalawak nila ang coverage ng direct loan program para sa mga estudyante at maaari silang makahiram ng hanggang P50,000 para sa pagbili ng electronic gadgets na kinakailangan para sa online learning.
Ayon sa state-owned lender, ang gadget loan ay maaaring isama sa maximum loanable amount na P150,000 per student o P300,000 per parent-borrower para sa pagbabayad ng tuition o enrolment-related fees.
“LandBank recognizes the need to support students in adapting to distance learning modalities,” wika ni president and chief executive officer Cecilia Borromeo sa isang statement.
“While we await the resumption of in-person classes, we hope that the I-STUDY Program can help students cover the financial requirements to purchases needed learning equipment and participate in online classes,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng expanded I-STUDY Program, maaaring mag-apply ang mga estudyante na may legal age. Tanging mga magulang at guardians ang pinayagang mag-apply nang ilunsad ang programa noong nakaraang taon.
Ang maximum age eligibility ng mga estudyante na mag-aaplay para sa loans ay itinaas din sa 50 years old, at kinabibilangan na rin ngayon ng scholar students na ang scholarships ay hindi buong nako-cover ang kanilang tuition fees.
Saklaw na rin ngayon ng loan program ang non-scholar students mula sa private pre-school, primary at secondary schools.
Ang I-STUDY lending program ay may interest rate na 5% per annum para sa short-term loans para sa pre-school, primary, at secondary students na maaaring bayaran sa loob ng isang taon.
“It also offers term loans for tertiary students payable up to a maximum of three years, inclusive of one year grace period on the principal.”
458275 793202You produced some decent points there. I looked online for that difficulty and located most people goes coupled with with all your internet site. 347583
265358 499401Hey, are you having issues with your hosting? I necessary to refresh the page about million times to get the page to load. Just saying 706980