MULING kinondena ng United States ang panibagong action ng China laban sa Pilipinas sa isinagawang resupply mission sa Philippine Navy BRP Sierra Madre ng direktang bombahin nito ang civilian chartered boat na gamit ng Philippine na lubhang ikinawasak ng supply vessel at ikinasugat ng ilang tripulante.
Sa inilabas na pahayag ni U.S State Department Spokesperson Matthew Miller, inihayag ng kanilang kagawaran ang matinding pag kondena sa ginawang dangerous maneuver ng China Coast Guard ng atrasan nito ang Unaizah May 4 para harangin at saka pinagtulungan gamitan ng water cannon.
“The United States stands with its ally the Philippines and condemns the dangerous actions by the People’s Republic of China (PRC) against lawful Philippine maritime operations in the South China Sea on March 23. PRC ships’ repeated employment of water cannons and reckless blocking maneuvers resulted in injuries to Filipino service members and significant damage to their resupply vessel, rendering it immobile ,“ ayon sa inilabas na statement ng US State Department
“As provided under the 1982 Law of the Sea Convention, the 2016 arbitral decision is final and legally binding on the PRC and the Philippines, and the United States calls upon the PRC to abide by the ruling and desist from its dangerous and destabilizing conduct, ayon pa sa kanilang tagapagsalita hinggil sa patuloy na pagbalewala ng China sa umiiral na international law kung saan walang lawful maritime claims ang PRC sa Ayungin Shoal na saklaw ng Philippines exclusive economic zone. .
Muli, nilinaw ng United States na sa ilalim ng Article IV of the 1951 U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty at saklaw nito ang armed attacks sa Philippine armed forces, public vessels, or aircraft kabilang ang Philippine Coast Guard – saan man panig ng South China Sea.
Nabatid naman kay Armed Forces of the Philippine Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad na nagtamo ng matinding pinsala ang civilian contracted vessel Unaisah Mae 4 na ginamit sa nang muling nagsagawa ng Rotation and Resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal ng palibutan ito ng dalawang Chinese Coast Guard (CCG) vessels tuloy tuloy na pinagtulungan bombahin ng tubig.
Dahil sa insidente, nagtamo ng matinding pinsala ang naturang resupply vessel ng Pilipinas.
Nagawa namang saklolohan ng BRP Cabra ang UM4 at ineskortan ito matapos magtamo ng pinsala dulot ng pambobomba ng tubig ng dalawang CCG.
Natuloy ang RORE mission ng ilipat sa ang anim na Philippine Navy personnel at mga essential cargoes mula sa Unaizah May 4 at BRP Cabra (MRRV 4409) sa BRP Sierra Madre gamit ang kanilang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) VERLIN RUIZ