KAHIT hindi holiday season talamak na ang pambubudol sa online at maging sa short message service (SMS) o text messages.
Ito ang inamin ng Philippine National Police – Anti- Cybercrime Group (PNP-ACG) batay sa mga reklamo nilang natatanggap.
Bagaman umiiral na ang SIMCard Registration Act at mayroon ng Internet Safety Act, marami pa ring nakapanloloko.
Tinukoy ang pambubudol sa online ni Col. Jay Guillermo, hepe ng Cyber Response Unit ng PNP-ACG sa pamamagitan ng online selling.
Aniya, ito ay ang mga platform sa walang pisikal na tindahan sa Pilipinas kundi sa labas ng bansa.
“May challenge po sa regulation kasi nasa labas ng bansa ang tindahan na katransaksyon ng buyer, kaya dapat i-require na dapat lahat ng nagbebenta ay may pisikal na tindahan,” ani Guillermo.
Samantala, aminado ang cyber cop official na sa ngayon ay hirap pa silang makahuli ng mga lumalabag sa Internet Safety Act dahil wala pa silang kopya ng Implementing Rules and Regulation (IRR).
“Wala pang IRR ang batas,” ani Guillermo.
Umaasa naman si Guillermo na sa Simcard registration ay personal ang application at maging mabusisi sa mga requirement at ID.
EUNICE CELARIO