NEGROS ORIENTAL- APAT katao ang patay kabilang ang isang pamilya habang isa ang malubhang nasugatan sa naganap na aksidente sa kahabaan ng National Highway sa Barangay North Poblacion, bayan ng Bacong sa lalawigang ito.
Sa ulat mula sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), kinilala ang mga nasawi na sina Ruel Pascual, 47-anyos; asawang si Analie Pascual, 43-anyos at anak na si Shelly, 15-anyos at isang Meliton Blanco, 59-anyos.
Habang nagtamo ng mga sugat sa katawan si Wilson Kial, 43-anyos.
Ayon sa pahayag ni Lt. Stephen Polinar, deputy chief ng NOPPO Police Community Affairs and Development Unit, isang naliligaw na tanker truck ang aksidenteng sinabugan ng isang gulong kung saan nagdulot ng matinding trapiko sa naturang lugar.
Dahilan dito, nawalan ng kontrol ang driver sa trak at tumawid sa kabilang lane, kung saan ay tinamaan ang sinasakyan ng mga biktima.
“Ang pamilya Pascual ay sakay ng isang motorsiklo, si Blanco ay nagmamaneho naman ng isang de-motor na sasakyan na kilala sa tawag na “karo” at si Kial ay nagmamaneho ng isa pang motorsiklo na nahagip ng naturang truck sa naganap na aksidente,” ani Polinar.
Ang oil tanker na nakarehistro sa ilalim ng pangalan ng New Bian Yek Commercial, Inc., ay bumabaybay sa papuntang timog habang ang mga biktima ay nagmula sa kabilang direksyon.
Nagtamo ng minor injuries ang driver at nasa kustodiya na ng Bacong Police habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya. EVELYN GARCIA