PAMILYA MARCOS NAG-ALAY NG MISA KAY FM

Ferdinand Marcos

NAG-ALAY ng Banal Misa ang pamilya Marcos sa puntod ni dating pangulong  Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahapon.

Pinangunahan ni Revered Monsignor Tirso Dolina ang  pamisa nina da­ting unang ginang at ngayon ay Cong­reswoman Imelda  Marcos at mga anak  na  sina Imee at Irene.

Dinaluhan din ito ng mga kabiyak ng mga sundalong nasawi at nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

Sa panayam kay Ilocos  Norte  Govenor  Imee Marcos, sinabi nito na sa panahon ng Undas ay ginugunita ang mga alaala ng mga yumaong mahal sa buhay at  ang kanyang ama kung papaano sila pinalaki nang maayos.

Nagdaos din ng misa para sa mga yumaong kaanak ang pamilya Marcos sa kanilang tahanan sa  Batac, Ilocos Norte.                 NENET VILLAFANIA

 

Comments are closed.