PAMILYA MAS MAHALAGA KA LOVI POE

Co-stars ni Lovi Poe sina JM de Guzman at Jameson Blake sa “sexiest movie of the year,” Guilty Pleasure, at all-out daw siya dito kahit married na siya.

Kataon namang binigyan ito ng R-16 ra­ting ng MTRCB, consi­dering na ito raw ang sexiest movie this year, ayon sa direktor na si Connie Macatuno.

First venture ito ng sariling Si Lovi Poe ang film company ni Lovi na C’est Lovi, kapartner ang Regal Entertainment, Inc., at siya din ang bida. No wonder, all-out talaga ang lola.

Pati nga raw sina JM at Jameson, nag-plaster sa sensual scenes para mas realistic.

Kahit misis na si Lovi, kinumbinsi raw nito ang asawang si Monty Blencowe na artista siya, kaya gagawin niya ang lahat bilang artista.

At suportado raw naman siya ni Monty lalo pa nga at siya mismo ang producer ng movie.

Alam naman nating napakahusay na aktres ni Lovi, patunay ang mga nakamit niyang mga awards.

“Of course, it’s a bit of a headache,” ani Lovi, “but then, ganun naman talaga, e. If you want to grow, di ba, you have to go through all these stages.”

“Yeah! And you know the outcome will always be great. So, I’m gonna keep creating more especially when I’m working with such amazing actors and director, writer, everyone.”

Pero pag gusto na raw ni Monty na magka-baby, hihinto siya sandali sa pag-aartista. Mas mahalaga pa rin umano ang pamilya.

RLVN