NAGING emosyonal ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa Huwebes Santo matapos silang lumahok sa tradisyonal na “paghuhugas ng paa”.
Ang paghuhugas ng paa ay isa sa mga ritwal ng Simbahang Romano Katoliko bilang paggunita sa huling hapunan ni Hesukristo kasama ang Kanyang mga apostol.
Sinabi ni Rev. Flavie Villanueva ng Society of the Divine Word kung paano ang salitang Maundy, na nagmula sa salitang Latin na mandatum na nangangahulugang mandato, ay nagmula sa utos ni Hesus sa Kanyang mga disipulo sa huling hapunan na ibigin at paglingkuran ang isa’t isa tulad ng ginawa Niya sa kanila.
‘Yong pagseserbisyo na nagdadala ng kabutihan at perwisyo. Hindi ‘yong mapagmataas at hindi ‘yong naghahasik ka ng dilim. Kasi meron ‘yong iba na nagseserbisyo pero pinapatay ang adik. Hindi serbisyo ‘yon,” pahayag ni Villanueva.