PASAY CITY – BINIGYAN ng gobyerno ng Filipinas ng legal assistance ang pamilya ng Pinay OFW na namatay noong nakaraang linggo dahil sa pang-aabuso at panggagahasa ng umano’y kanyang amo sa Kuwait.
Sa pamamagitan ng Philippine Embassy to Kuwait, mayroon na silang abogado na nakuha kung saan nakapag-file na ito ng criminal case subalit tumanggi muna ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ibigay ang kabuuang detalye.
Ayon sa Embahada, sasagutin nila ang mga gastos sa pag-uwi sa labi ni Ma. Constancia Lago Dayag na idineklarang dead on arrival matapos na isugod sa Al Sabah Hospital noong Mayo 14.
Nais ng gobyerno ng Filipinas na papanagutin ng gobyerno ng Kuwait ang umabuso at pumatay sa Pinay.
Samantala, nanganganib namang muling ipatupad ang deployment ban sa Kuwait dahil sa insidente.
Magugunitang si Dayag ay inaasahang pauwi na sa bansa partikular sa kanilang lalawigan sa Isabela at masaya ang pamilya nito subalit nagulantang sa masamang balitang kanilang natanggap.
Una nang ibinalita ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang sinapit ni Dayag at nangakong tutulong ang pamahalaan sa kaso ng OFW. IRENE GONZALES
Comments are closed.