PAMILYA NI HEART AT CHIZ NAGSASAYA SA PAGBUBUNTIS NG AKTRES

NAGSASAYA ang pamilya ni Heart Evangelista at husband niyang si Senator Chiz Escudero hot shotsdahil nakabuo na rin sila ng baby.

Nagdiwang ang mga kaibigan ni Heart sa pagbubuntis ng actress na ma­tagal na rin nilang hinintay mag-asawa.

Ibinalita ni Heart sa kanyang Instagram account ang kanyang kalagayan  bilang caption sa larawan na magkayakap sila ni Senator Chiz habang ha-wak ni Heart ang isang puting baby dress.

Ito nga ang matagal nang pinakaaabangan ng mga kaibigan at kasamahan niya sa Kapuso at Kapamilya network at super saya sila sa kanilang men-sahe.

Ang iba pang bumati sa mag-asawang Heart at Chiz ng well-wishers ay sina Marvin Agustin, Alex Gonzaga, Mariel Padilla, Jinri Park, Iza Calzado, Melissa Ricks, Direk Mae Cruz, Diana Zubiri, Chynna Ortaleza, Karen Davila, Joey Mead, Rajo Laurel, Karel Marquez, Sherilyn Tan, Jaya, Nikki Val-dez, Cristalle Belo, Benjamin Alves, China Cojuangco, Mark Bautista, atbp.

Sa ngayon ay super ingat ang mag-asawa, lalo na si Heart para maingatan nang mabuti ang kanyang kalagayan. Mahirap nga naman kapag nagka-roon ng diperensiya ang kanyang pagbubuntis.

Congrats sa mag-asawang Heart at Chiz!

PAMILYA MUHLACH NAGDADALAMHATI

Aga MuhlachHABANG nagsasaya ang mga kaibigan ng mag-asawang Heart at Chiz ay nagdadalamhati naman ang pamilya Muhlach dahil sa pagkamatay ng tatay ni Aga na si Cheng Muhlach.

Pumanaw si Cheng ng madaling araw ng May 12, sa edad na 74 years old sa St Luke’s Medical Center.

Ayon kay Niño Muhlach, pamangkin ni Cheng, isinugod ang Tito niya sa ospital dahil sa cardiac arrest. Sa simula ay naging maayos naman daw ang kundisyon ng tatay ni Aga Muhlach, pero sa pagtulog nito ay doon na raw nalagutan ng hininga ang ama ni Aga.

Si Cheng ay kapatid ni Amalia Fuentes na matatandaang namalagi rin sa ospital dahil sa stroke. Hanggang sa ngayon ay hindi pa raw alam ni Amalia na patay na ang kanyang kapatid.

Natatakot daw kasi ang pamilya Muhlach na baka makaapekto sa kalagayan ngayon ni Amalia ang pagpanaw ni Cheng.

Napagkasunduan ng Muhlach family na sa He­ritage Park, Taguig City iburol ang mga labi ni Cheng.

Comments are closed.