HUMIHINGI ng panalangin ang pamilya ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. para sa agarang paggaling nito.
Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa St. Lukes Medical Center ang dating senador dahil sa karamdaman at mahinang pangangatawan sa edad na 85.
Ayon sa anak nitong si Senador Koko Pimentel, tuloy-tuloy ang treatment ngunit mahina pa rin ang pangangatawan ng kaniyang ama sa kasalukuyan.
“Senator Nene Pimentel is very ill and currently under treatment. Doctors and hospital staff are doing their best to help him. We ardently ask that you join us in prayer for his full and complete recovery,” ani Koko.
Gayundin, marami ang nagulat nang maglabas ng mensahe si Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) spokesman Ron Munsayac ukol pagkakadala sa ospital ng tinaguriang ama ng local government code na si Pimentel. VICKY CERVALES
Comments are closed.