IPINAGTANGGOL ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang beteranong aktor na si Aga Muhlach, asawang si Charlene Gonzales, at ang kambal na mga anak nito na walang nilabag na protocols sa kanilang pagbabakuna.
Sa inilabas nitong Biyernes na pahayag ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nilinaw na umano ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa na kiwalipikado ang pamilyang Muhlach sa isinagawang pagbabakuna sa kanila.
“Documents regarding their vaccination were also submitted to the DILG. Therefore, the Department sees no violation of DOH (Department of Health) or IATF’s (Inter-Agency Task Force) regulations in the aforementioned vaccination,” paliwanag ni Malaya sa isang panayam.
Aniya, sa rekord ng Muntinlupa LGU, ang aktor na si Aga at ang pamilya nito ay bonafide residents ng lungsod at naka-enroll sa MunCoVac registration portal sa ilalim ng A3 category.
“Most importantly, they submitted medical certificates/clearance from their attending physician at Asian Hospital and Medical Center to prove that they have comorbidities,” ani Malaya.
Ang ginawang pahayag ni Malaya ay bilang tugon sa mga kumukuwestiyon ukol sa pagkakaroon ng prayoridadng pamilya ng mga celebrity sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Magugunitang nitong Hunyo 1 ay nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine si Aga, asawang si Charlene Gonzales at kambal na anak na si Andres at Atasha.
Inilabas sa Facebook page ng Muntinlupa LGU ang mga larawan ng pamilyang Muhlach na nagpapabakuna na sa Festival Mall Underground Parking, at sumunod naman umano ang pamilya ng aktor sa step by step line at registration bago tuluyang nakapagpabakuna. EVELYN GARCIA
937270 624181I surely did not realize that. Learnt something new nowadays! Thanks for that. 266466
442089 150100I discovered your blog internet site on google and verify several of your early posts. Continue to maintain up the superb operate. I merely extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading extra from you in a although! 236571
202858 486298Hey, you used to write fantastic, but the last couple of posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past several posts are just just a little bit out of track! come on! 739191
795451 469430I agree with your points , wonderful post. 211744