PAMIMIGAY NG AYUDA TINAPOS NA

TINAPOS na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang distribusyon ng cash aid na P1,000 kada indibidwal o katumbas ng P4,000 bawat pamilya makaraang maipamahagi ito sa 22,000 benepisyaryo na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang payout para sa cash aid ng natitirang 22,000 benepisyaryo o katumbas ng 10 porsiyento ay isinagawa dalawang sunod na araw (Mayo13-14) sa Cuneta Astrodome bago pa man matapos ang itinakdang deadline ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon, Mayo 15.

Bago pa man simulan ang distribusyon ng cash aid sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay nakipagpulong ang pamahalaang lokal sa 188 na lider ng mga ito upang masiguro na ang guidelines ng standard health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay masusunod sa pamamahagi ng payout.

Bukod pa sa pagsunod sa IATF guidelines, sinabihan din ang mga lider na sundin na rin ang iskedyul na araw ng kani-kanilang mga payout upang maging maayos ang naturang distribusyon ng ayuda. MARIVIC FERNANDEZ

6 thoughts on “PAMIMIGAY NG AYUDA TINAPOS NA”

  1. 80120 48757An fascinating discussion is worth comment. I think that you want to write far more on this matter, it might not be a taboo topic but typically individuals are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 931583

Comments are closed.