PAMIMIGAY NG CASH AID HINILING NA PALAWIGIN

HIHILINGIN sa gobyerno ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagpapalawig sa distribusyon ng financial aid o ayuda para sa mga naapektuhan sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Nabatid na nakapamahagi na ang lokal na pamahalaan ng kalahati sa halagang ipinagkaloob ng gobyerno na P356 milyon bilang ayuda sa mga residente ng lungsod.

Dahil dito, plano ng pamahalaang lungsod na humingi ng extension ng dalawa pang linggo upang maipagkaloob sa lahat ng benepisyaryo ang ayudang nakalaan para sa kanila.

Batay sa report ng Social Welfare and Development Department (SWDD) ng lungsod ay nasa 114,427 indibidwal o 38,301 pamilya sa 68 barangay ang napagkalooban na ng kanilang mga ayuda.

Binisita ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ang distribusyon ng ayuda sa Rafael Palma Elementary School (RPES) kasama sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño at Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) Regional Director Vicente Gregorio Tomas katuwang sina Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) sa pamumuno ni Angie Roa Yu, DILG Pasay City Director Gloria Aguhar at Barangay 43 Captain Jojie Santos.

Pinuri naman ni Diño ang lungsod sa maayos na distribusyon ng ayuda sa mga residente at sinabi pa nitong “walang pasaway sa Pasay City.” MARIVIC FERNANDEZ

66 thoughts on “PAMIMIGAY NG CASH AID HINILING NA PALAWIGIN”

  1. 198291 927934Wonderful weblog here! Also your website loads up quickly! What host are you making use of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my internet site loaded up as fast as yours lol 700923

Comments are closed.