PAMIMIGAY NG FUEL CARDS ITUTULOY BUKAS

FUEL CARD

ITUTULOY na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel subsidy card sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep bukas, Agosto 7.

Naantala noong nakaraang linggo ang pamamahagi ng LTFRB sa Pantawid Pasada Fuel Cards dahil umano sa “technical issue.”

Ayon kay LTFRB executive director Samuel Jardin, ipamimigay ang mga card simula Martes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Itinakda naman ang iskedyul ng pamimigay ng fuel card simula Lunes hanggang Biyernes sa susunod na linggo.

Ang mga fuel card ang ayuda ng gobyerno sa mga PUJ matapos magtaas ang presyo ng produktong petrolyo mula nang magpataw ng excise tax nitong taon at ang pagtaas din ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nilinaw din ng LTFRB sa mga card holder na sa piling sangay lang ng mga gasolinahan maaaring magamit ang card at hindi sa lahat ng sangay.

Nagbabala rin ang ahensiya sa mga card holder na hindi ito puwedeng gamitin sa ibang transaksiyon.

Nababantayan umano ng Landbank ang transaksiyon sa naturang card at kapag ginamit sa iba ay posibleng ma-disqualify ang card holder, at maharap sa reklamong estafa at swindling.

Comments are closed.