KINABABAGUTAN ng marami ang manatili sa bahay. Ngunit ngayong mga panahong ito na hindi puwedeng lumabas, puwersado tayong maglagi sa bahay.
Mahalaga nga naman ang kaligtasan ng bawat isa nang hindi mahawaan ng kumakalat na sakit.
Nakakakaba nga naman ang mga pangyayari. Hindi natin alam kung kailan magtatapos ang problemang kinahaharap ng bawat isa sa atin at ng bansa. Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating mag-ingat.
At dahil karamihan sa atin ay mananatili sa bahay nang maiwasang madapuan ng lumalaganap na sakit, narito ang ilangpampalipas-oras nang ‘di mabagot sa loob ng tahanan:
MAGLINIS NG BUONG BAHAY
Laging pinoproblema ng marami sa atin ang kawalan ng panahong maglinis ng buong bahay.
Kaliwa’t kanang obligasyonnga naman ang kinahaharap ng bawat isa sa atin. Marami ring empleyado na kahit na Sabado at Linggo ay kailangan pa ring magtungo sa opisina at magtrabaho.
Ngayong panahong bawal o hangga’t maaari ay hindi puwedenglumabas, isa sa mainam gawin ang paglilinis ng buong bahay. Importante rin kasing nasisiguro nating malinis ang kabuuan ng ating tahanan nang maiwasan ang pagkakasakit.
Mainam din kung magdi-disinfect ng tahanan.
BLOCK, BOARD, CARD, PUZZLE O WORD GAMES
Ilan din sa laro na puwedeng subukan ng bawat pamilya na may challenge o ginagamitan ng utak ang mga block, board, puzzle, card at word games.
Kilalang-kilala o hilig ng mga bata ang jenga. Ito ay binubuo ng isang tore ng blocks, tatlong piraso bawat palapag. May 54 blocks ito.
May iba’t ibang uri na ng jenga, Mayroong may kulay at may numero. Magrorolyo ng dice ang unang player at kung anong kulay o numero ang lumabas ay ‘yun ang kukuninnilang piraso.
Kung sino ang huling player na makakapagpatumba ng buongtore ay siya ang talo.
Isa rin sa pinakasikat ay ang scrabble. Pahabaan ng English words. Pitong tiles ang hawak mo at kung anong salita angmabubuo mo na mailalagay sa board na karugtong ng salitanginilagay ng kalaban. May diskarte sa paglalaro nito, kapag angtiles mo ay naipuwesto mo sa may nakalagay na ‘triple letter word’ siguraduhin mo lang na mahaba-haba ang salitangbubuuhin para malaki ang puntos na makukuha.
Sa card games naman Uno ang isa sa nilalaro ng mga kabataan. Simple lang ang larong ito, may hawak kang cards at ubusanlang. Kapag iisang card na lang ang hawak mo kailangangsumigaw ng Uno! dahil kung hindi at naunahan ka ng kalaban sapagsigaw ng Uno! Isang card ang madaragdag sa hawak mo. May special cards din tulad ng pagdaragdag ng cards sa kalabano pagbaliktad ng ikot ng laro.
MAG-MOVIE MARATHON O MAGBASA
Isa pa sa nakatutuwang gawin sa bahay ay ang panonood ng mga kinahihiligang palabas. Marami nga naman sa atin angmahilig manood ng mga palabas pero walang panahon dahil ngasa trabaho. Ngayon, may pagkakataon na kayong mag-movie marathon kasama ang buong pamilya.
Mainam din ang pagbabasa ng mga kinahihiligang libro. Maginghanda rin sa anumang sitwasyon.
Maging updated din sa mga nangyayari sa paligid. Mag-ingattayong lahat. CT SARIGUMBA
Comments are closed.