WINALIS ng Pampanga ang La Union,111-98, sa best-of-three title series para tanghaling Chooks-to-Go National Basketball League (NBL) Pilipinas Chairman’s Cup champion nitong Linggo sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ni Encho Serrano ang ratsada ng Cabalen sa naitumpok na 26 puntos, walong rebounds, pitong assists at tatlong steals tungo sa 2-0 sweep sa kanilang best-of-three title series at pagkamit ng ikalawang sunod na kampeonato sa pinakabagong professional basketball league sa bansa.
Itinanghal na Finals Most Valuable Player si Serrano na may average na 21.5 puntos, 5.0 rebounds, 8.5 assists, at 1.5 steals laban sa PAOwer.
Umabante ang Pampanga sa 19-4 mula sa opensa ni Serrano at nanatiling angaf ang Delta sa 53-47 sa halftime.
Nag-ambag sina Rhanzelle Yong ng 20 puntos at siyam na rebounds; kumana si CJ Gania ng 16 puntos at 11 rebounds; at kumubra si MJ Garcia ng 12 puntos at 11 assists para sa Pampanga.
Nanguna ang Delta sa kabuuan ng eliminations tangan ang 9-1 karta at umabante sa championship nang walisin ang Taguig Generals sa semifinals series.
Kumana para sa La Union sina Kirk Agulan na may 23 puntos at Erven Silverie na may 22. EDWIN ROLLON
Iskor:
Pampanga (111) — Serrano 26, Yong 20, Gania 16, Garcia 12, David 12, Hernandez 9, Dyke 7, Pascual 4, Santos 3, Liangco 2.
La Union (98) — Agulan 23, Silverie 22, Pambid 14, Ablao 11, Apolonio 9, Llona 7, Maynes 4, Gurtiza 4, Gatchalian 2, Blaza 2, Doliente 0, Francisco 0, Caasi 0.
QS: 28-15, 53-47, 84-68, 111-98.