PAMPANGA TINAMAAN NG BIRD FLU KINUMPIRMA NG DA-BAI

BIRD FLU

KINUMPIRMA kahapon ng  Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang natuklasang highly pathogenic avian influenza (HPAI) strain, partikular ang H5N6 Avian flu o bird flu sa isang egg-producing farm sa San Luis, Pampanga.

Gamit ang ‘one health approach’, agad na ipinatupad ng DA-BAI, sa pakikipag-partner sa DA Central Luzon regional field office (DA-RFO3), sa provincial veterinary office (PVO) ng Pampanga, at sa local government unit ng San Luis, ang integrated disease control measures para mapigilan ang pagkalat ng bird flu.

Nang makumpirma ang report, agad na nagpatupad ang composite team ng veterinarians at animal health officers mula sa DA-BAI, DA-RFO3, PVO Nueva Ecija, at San Luis ng emergency control measures sa ‘ground zero’ at nagsagawa ng  disease surveillance sa paligid ng infected farm sa San Luis.

“The team humanely culled a total of 38,701 head of layers and disposed them off properly, employing the protocols under the Avian Influenza Protection Program of the Philippine government,” wika ni DA-BAI director Ronnie Domingo, sa kanyang report kay DA Secretary William Dar.

“Once again, we commend the men and women of the DA-BAI and DA-RFO3 for their continued strong partnership with the local government officials and veterinarians in Pampanga for successfully managing, controlling and containing the bird flu incidence in San Luis,” sabi ni Dar.

Ang lahat ng personnel na may kinalaman sa idisease control measures ay mahigpit na binantayan ng health office ng San Luis.

Sinabi ni Domingo na tiniyak ng DA-BAI sa publiko na ang A(H5N6) ay hindi natukoy sa mga broiler, ang primary source ng poultry meat.

“Early reporting, detection and strong multi-agency collaboration paved the way for the rapid and effective response in the management of the A(H5N6) incidence.”

Sa initial field investigation ay lumitaw ang presensiya sa San Luis ng migratory birds, na inuugnay sa  bird flu outbreaks sa mara­ming bansa, kabilang ang ­Filipinas.

2 thoughts on “PAMPANGA TINAMAAN NG BIRD FLU KINUMPIRMA NG DA-BAI”

  1. 658926 807349Greatest fighter toasts ought to entertain and supply prize on your couples. Initially audio system next to obnoxious crowd would be wise to understand 1 particular gold colored strategy as to public speaking, which is individual interests self. best man jokes 967107

  2. 389323 598399Heya! I just wanted to ask if you ever have any trouble with hackers? My last blog (wordpress) was hacked and I ended up losing a few months of hard work due to no backup. Do you have any methods to prevent hackers? 433379

Comments are closed.