TAGUIG CITY – MARIING sinalungat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Guillermo Eleazar na ‘planted’ ang mga bombang nakita sa bahay ni Arnold Padilla, ang lalaking nasa viral video, kung saan nahuli sa video cam na nakikipag-away sa mga traffic enforcer na sinaktan pa ng kanyang bodyguards.
Ang nasabing pahayag ni Eleazar ay bunsod ng mga akusasyon na nagmula sa kampo nina Padilla na itinanim lamang ng mga pulis ang dalawang hand grenade sa bahay na target ng search warrant na inisyu ng Makati City Regional Trial Court para sa dala-wang residential properties nito.
Ayon kay Eleazar, mayroong mga testigo na magpapatunay dito kabilang ang ilang barangay official at miyembro ng media at maging ng mga security guard na nakakita rito.
Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives si Padilla. VERLIN RUIZ
Comments are closed.