PAMPUBLIKONG PAANAKAN BUKAS NA

QUEZON-BINUKSAN na sa publiko ang bago at modernong birthing home o paanakan sa Tiaong.

Ayon kay Mayor RJ Mea at Municipal Health Office, ang naturang lying-in clinic ay fully air-conditioned at isang DOH-Licensed Birthing Facility at inaasahang magiging PhilHealth accredited.

Ayon pa sa alkalde ang pasilidad ay 24/7 at maaaring magpaanak kahit normal o low-risk pregnancies.

Nagbibigay din ang Lying-in Clinic ng Maternal Care Services, Essential Newborn Care Services, Newborn Screening for Metabolic Disorders at Newborn Hearing Screening.

Layon ng pagpapatayo ng pasilidad na maiwasan ang panganganak sa bahay, mapataas pa ang Facility-based Delivery sa Tiaong at maprotektahan ang mga buntis laban sa banta ng mga komplikasyon dala ng pagbubuntis at panganganak. BONG RIVERA