PAMUMUHUNAN NG PINOY BUMABA MULA ENERO HANGGANG MAYO – PSA

PSA

NAKAKONTRATA ang approved foreign and Filipino investments ng 14.8 percent sa unang semestre ng 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa unang semestre  ng  2018, bumaba ang approved Filipino at Filipino investments ng  P299.82 billion noong Enero hanggang Mayo ngayong taon mula sa  P351.87 billion sa parehong panahon noong isang taon.

Ayon sa datos, umakyat ang  Foreign Direct Investments (FDI) ng 10 percent hanggang P45.15 billion habang ang approved Filipino investments ay nakakontrata  ng  18.1 percent hanggang P254.67 billion.

Sa unang semestre, ipinakita ng datos ng PSA ang pinakamalaking pagbaba  ng approved investments sa pitong Investment Promotion Agencies (IPAs) na na­obserbahan sa  Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ipinakita ng datos na ang approved investments sa SBMA contracted 93.2 percent hanggang P2.77 billion sa unang semester ng 2018 na sinundan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) na may contraction ng 88.2 percent hanggang P41.8 million at ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na may 55.9 percent hanggang P53.07 billion.

Ipinakita ng PSA na walang foreign investments na inaprubahan ng AFAB at ng Board of Investments (BOI) sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Sa oras na makuha ang investments, nakikita ng PSA na ito ay makalilikha lamang ng 78,258 trabaho, 47.8 percent na pagbaba mula sa  149,857 trabaho na tinatayang mula sa Filipino at Foreign national investments sa unang anim na  buwan ng taon.

Ang sektor na magpo-post ng pinakamalaking pagbaba sa employment generation ay ang financial at insurance activities na may contraction ng 98.6 percent; Information and communication, 75.8 percent; at Professional, scientific and technical activities, 70.1 percent.

Ang datos ay nakuha ng PSA mula sa pitong  IPAs kasama ang  Board of Investments (BOI), Clark Development Corporation (CDC), PEZA, at SBMA.

Kasama rin dito ang AFAB, BOI-Autonomous Region of Muslim Mindanao (BOI-ARMM), at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).     CAI ORDINARIO

Comments are closed.