PAMUMULITIKA SA GITNA NG RELIEF EFFORTS, IPINASISILIP

PINAKIKILOS  ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para i-validate ang mga ulat ng pamumulitika sa gitna ng relief efforts sa mga biktima ng bagyong Odette.

Partikular na pinakikilos ni Barbers ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Hinihiling ng kongresista sa mga nabanggit na ahensiya na silipin ang mga lumabas na report sa social media kung saan ang mga relief goods na inihatid sa mga probinsya ay nire-repack umano ng ilang mga pulitiko at nilalagyan ng pangalan at larawan ang mga relief bags bago ipamahagi sa mga biktima.

“This is not the time to advance political interest. Our people need aid and life savers, not political gimmicks. Let us put the interest of people above all else and put order in the distribution system. In our Asian neighbors, people line up and wait. No names or pictures of politicians appear on the boxes and bags of relief goods. We must emulate these disciplined practices and set good examples to our constituents”, ani Barbers.

Kung totoo aniya ito, ay nakakadagdag ito sa pagka-delay ng distribusyon ng kinakailangang tulong para sa mga nasalanta.

Sa oras aniya na meberipika ang ulat, ay inirerekomenda ni Barbers na agad sampahan ng kaso ang mga mapagsamantalang pulitiko.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mambabatas sa private sector donors at sa mga ahensya ng pamahalaan na nakatoka sa relief operations para sa mabilis na pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa kanyang probinsya. conde batac