PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-49 na national prayer breakfast sa Malakanyang araw ng Lunes, November 18, 2024.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang pamumuno na walang pananampalataya ay parang barko na walang compass, ito ay papalaot ngunit lilihis ng direksyon.
Dagdag nito, ang totoong liderato ay dapat may kakayahang baguhin ang buhay ng mga tao para sa ikabubuti nito, nang may paggabay ng karunungan mula sa pananalig sa Diyos.
Ang mundo aniya ay nahaharap sa magkakaiba-iba ng paniniwala, sa pulitika, at maging ang magkakaibang pananaw sa kultura at henerasyon.
Ipinatitiyak ng Pangulo sa mga lider na nangingibabaw ang pagmamahal, awa, at pagpapakumbaba sa bawat desisyon at aksyon.
Hinikayat din nito ang lahat ng magiging lider sa hinaharap na gawing gabay ang pananampalataya at paghugutan ito ng lakas sa harap ng mga hamon para sa mithiin na hindi lamang pansarili.
EQ