Pamumuno ni Speaker Romualdez kinilala, patuloy na suportado ng iba’t ibang political party

Kinilala at pinuri ng iba’t ibang partido pulitikal ang pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nasa likod ng mga tagumpay na narating ng Kamara de Representantes ngayong 19th Congress.

Ang pagsuporta sa pamumuno ni Romualdez ay magkakahiwalay na inihayag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI).

Ayon kay NUP president CamSur Rep. LRay Villafuerte hindi maitatanggi na pagiging produktibo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez. Aniya, naipasa na ng Kamara ang halos lahat ng mga panukala na prayoridad na maipasa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at nabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na makatutulong upang mapaganda ang kalagayan sa buhay ng mga Pilipino.

“Spelling better lives for all Filipinos, as committed by the President, has been, and continuous to be, the priority of the 307-strong House of Representatives on the Speaker’s watch, hence the need for greater unity in lieu of political discord,” ani Villafuerte.

Muli ring iginiit ng mga stalwart ng Lakas-CMD na sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang kanilang pagsuporta kay Speaker Romualdez at Pangulong Marcos.

Sinabi nila na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker ay nagkakaisa ang mga miyembro ng Kamara sa paghahatid ng mga pro-people na panukala alinsunod sa development goals ni Pangulong Marcos.

“Speaker Romualdez’s leadership has been the catalyst for the House’s unprecedented productivity, consistently driving results. His focus on inclusive growth and people-centered reforms demonstrates our collective commitment to improving the lives of every Filipino,” sabi ni Gonzales.

Kinilala naman ng NPC si Speaker Romualdez sa pagsusulong nito ng mga makabuluhang reporma at panukala ng administrasyong Marcos upang mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka, matiyak na sapat ang suplay ng murang pagkain, at ang paglalatag ng matibay na pundasyon para sa isang maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas.

Sinabi ng tagapagsalita ng NPC na si Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food na ang layunin at direksyon ng pamumuno ni Speaker Romualdez ang nagpatibay sa super majority ng Kamara at nasa likod ng mga naisabatas na panukala ni Pangulong Marcos na naglalayong tugunan ang mga problema sa bansa.

Isang resolusyon naman ang pinagtibay ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI), na binubuo ng iba’t ibang party-list organization sa Kamara upang ipahayag ang kanilang suporta kay Speaker Romualdez at administrasyon ni Pangulong Marcos.

“Kinilala rin ng PCFI ang pagbuo ni Romualdez ng mga komite upang makapagsagawa ng masusing imbestigasyon gaya ng Quad Comm na sumilip sa kaugnayan ng Philippine offshore gaming operations, extrajudicial killings, kalakalan ng iligal na droga, at Chinese syndicates, na pagpapakita ng pagnanais ng Mababang Kapulungan na mapangalagaan ang karapatang pantao at pangingibabaw ng batas.

“Now therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, that members of the Party-List Coalition Foundation, Inc. hereby express their unwavering support and full confidence in the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, acknowledging his pivotal role in steering the House towards unprecedented legislative achievements, fostering unity among its members, and upholding human rights and social justice in the Philippines,” sabi pa ng resolusyon.

Nagpahayag din ng suporta ang mga stalwart ng NP kay Speaker Romualdez na sina House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona.

Kinilala naman ni Villar ang mga hakbang na ginawa ni Romualdez upang mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng mga partido na siyang naging susi upang makamit ang mga layunin sa lehislatura at higit pang mga tagumpay.