Panagbenga pagpapakilala ng mga bulaklak ng Baguio

Ang Panagbenga ay taunang flower festival na ipi­nagdiriwang tuwing Pebrero na ginaganap sa Baguio City, Philippines. Ang salitang “Panagbenga” ay mula sa salitang Kankanaey na ang ibig sabihin ay “panahon ng pamumulaklak”. Ang pagdiriwang na ito ay nagpapakita ng kasaysayan, tradisyon at values ng Baguio at Cordilleras.

Ito ay pag-alala sa muling pagbangon ng Baguio mula sa pagkawasak dahil sa lindol na naganap noong 1990.  Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-aa­yos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Baguio City ang Summer Capital of the Philippines, kaya nga maraming dumarayo dito sa lahat ng panahon, kahit pa napakalayo nito sa Maynila.

Nagsimula ang Panagbenga nang iprisinta ni Atty. Damaso E. Bangaoet, Jr. ang flower festival sa Board of Directors ng JPDC. Siya ang managing director ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC) sa Camp John Hay, presented to the the idea to lead the holding of a flower festival in Baguio. Noong October 1995, nakakuha ng official logo ang Baguio Festival sa Annual Camp John Hay Art Contest.

Gumawa si Professor Macario Fronda ng Saint Louis University ng Festival Hymn na base sa ritmo at galaw ng Bendian Dance, isang Ibaloi dance celebration. Ang Bendian dance ay pabilog na paggalaw na nangangahulugan ng unity at harmony sa mga mi­yembro ng tribo. Nakikita rito ang creativity, ingenuity, at pagkakaisa. Magkakasama ang mga bata mula sa iba’t ibang iskwelahan sa pagsasayaw sa kalsada habang pumaparada ang mga bulaklak na iba’t iba ang hugis at kulay.

Noong 1996, suhestyon ni Ike Picpican, isang archivist at curator ng Saint Louis University Museum, na pangalanan ang festival na Panagbenga Festival.

Habang nagtatagal, nagkaroon ng mga bagong activities at initiatives na ikinatuwa ng mga turista. Binigyang diin dito ang creativity, unity, culture, at traditions ng mga Cordillerans gamit ang malahiganteng mga flower floats na ipinaparada sa mga lansangan ng Baguio sa panahon ng Grand Float Parade. Along with this is a lively, colorful, and cultural street dance performed by the locals, mostly students.

The festival was a result of people’s desire to have a festival of their own, a festival that was uniquely Baguio.