PANAHON NG BAGYO

SABONG NGAYON

MATATAG sa malakas na ulan ang ating mga alagang manok pero sirang-sira sila sa malakas na hangin.

Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, importante na may hapunan o roost ang ating mga panlabang manok kasi mamamatay sila kapag bumuhos ang malakas na ulan at nasa lupa lamang sila.

“Pinaka-safe pa rin palagi ay kung meron silang taguan para tumodo man ang bagyo ay walang dahilan na sila ay madisgrasya,” ani Doc Marvin.

“Mahirap ang masyadong maraming alagang manok pero puwede naman kung ito ay nababagay sa dami ng iyong tauhan at lugar na paglalagyan. Dapat po ay palaging ‘yung kaya natin maalagaan, manageable, ika nga,” dagdag pa niya.

Sa pagbi-breeding naman, kung gusto mo talagang makopya ‘yung katangian ng breeding materials na pinagpares mo ay first 10-15 eggs lang ang kuhanin per hen per breeding season kasi solid na solid ang genetec transfer.

“Hindi masyadong nagkakasakit ang magiging anak at kung magkasakit man ay madaling gamutin,” ani Doc Marvin.

“Kung meron tao na gusto mong magantihan kung may atraso sa iyo ay turuan mo siyang mag-breed at sigurado nakaganti ka na!” dagdag pa niya..

Kung hilig mo talaga ang pagmamanok ay hindi na pinag-uusapan ‘yung gastos kasi ay talaga namang magastos, kaya huwag na lang ilista para huwag ka manghinayang kasi ang usapan sa pag-aalaga ng manok ay ‘yung kasiyahan at kaligayahan mo na hindi kayang palitan ng pera.

“Kung basta-basta na ang pag-aalaga ng manok ay huwag na lang pasukin kasi hindi naman masama kung ang pagbubutihin ay ang boxing!” aniya.

Para kay Doc Marvin, ang mga Pilipino na ang pinakamagaling mag-alaga ng manok panabong kasi alagang-alaga talaga, kaya naman kapag inilaban at natalo talaga namang masakit at lungkot na lungkot pa.

“Sa una lang naman masakit at habang tumatagal ay pasakit nang pasakit kaya ang gamot ay lumalaban uli para makabawi. Ang lumalaban/may entry lamang ang may pag-asang manalo! Kaya kong tanggapin na talo ang manok ko kasi iyon naman ang una kong natutunan pero ang hindi ko kaya ay ang mag-alaga ng manok na hindi ko kursunada!” sabi pa niya.

“Hindi bale nang hindi mapalaban ang manok kaysa napalaban pero natalo naman!” pagtatapos niya.

4 thoughts on “PANAHON NG BAGYO”

  1. 925003 694768Whilst youre any with the lucky enough choices, it comes evidently, even though capture the fancy with the certain coveted by ly folks other beneficial you you meet may possibly well have hard times this certain problem. pre owned awnings 668492

  2. 867289 556999Discover how to deal along with your domain get in touch with details and registration. Realize domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 181905

Leave a Reply

Your email address will not be published.