PANALANGIN PARA SA KALUSUGAN NI POPE FRANCIS, IPINANAWAGAN

POPE FRANCIS

UMAPELA ng panalangin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown para sa kalusugan ni Pope Francis na nakararanas ngayon ng problema sa kanyang tuhod.

Ayon kay Archbishop Brown, ang kinakaharap ngayong hirap at sakit sa tuhod ng Santo Papa ay nagresulta na ng pagkansela ng ilang mga aktibidad nito.

Kabilang dito ang hindi na matutuloy na Apostolic trip ni Pope Francis sa South Sudan at Congo sa Hulyo, alinsunod na rin sa payo ng kanyang mga doktor.

Hindi rin madadaluhan ng Holy Father ang Corpus Christi Mass at Procession dahil sa kanyang kondis­yon. Jeff Gallos