PANALANGIN PARA SA MGA ITINUMBANG PARI

MAYNILA – NAALARMA ang simbahang Katolika sa mga napapaslang na mga alagad ng simbahan kaya naman naglabas ng panalangin ang Archdiocese of Manila.

Sa naturang dasal, ipinanalangin ang mga taong sumisira sa kapayapaan sa bansa at nagpapalaganap ng galit na nag-uudyok ng karahasan.

Ipinanalangin din ang mga opisyal ng gobyerno na harinawa ay kumilos para sa kabutihan ng  kalahatan at magkarooon ng takot na hindi makagawa ng mga bagay na nakabatay sa pansari­ling interes at makamundong disenyo.

Hinihimok ang lahat ng parokya sa arkidiyosesis na ipagpatuloy ang pag-aalay ng misa at panalangin para sa mga biktima ng patayan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Chancellor Fr. Regie Malicdem, maaaring gamitin ang dasal sa mga community prayers bago o pagkatapos ng misa.

Maaari rin itong humalili sa karaniwang format ng Pana­langin ng Bayan sa misa.

Ang dasal ay may salin sa Ingles at Tagalog upang mas maitindihan ng magbabasa nito.   AIMEE ANOC

Comments are closed.