PANALO NI VICE GANDA LUTONG MACAO

Vice Ganda

NAKASUSUKA ang pagkapa­nalo ni Vice Ganda sa It’s Showtime. What’s so specialsizzling bits with what she did to merit winning as the best performer?

Kung mayroong nararapat sa award na ‘yun, ‘yun ay walang iba kundi sina Anne Curtis at Tiyang Amy Perez na awe-inspiring talaga ang stunts na ginawa.

Sa edad niyang 50, tumayo sa kanyang ulo si Amy Perez at ‘yun talaga ang dapat bigyan ng award at hindi ‘yung mga kabaklaang ginawa ng mataray na yokabang si Vice Chakah.

Puhllleeezze!

Ang kaso, dinaan sa popularidad ang merits at hindi sa hirap nang ginawa. Huwag na kayong magpa-contest pa kung ganyang papa­boran lang naman ninyo ang i­lusyunada at feelingerang collagen injected na si Vice Ogra.

Yuck! How so demeaning! Lutong Macao!

Siguro, napakataas ng markang iginawad ng isang biased na judge kay Vice kaya nagkaganon. Nakapaninindig balahibo. Nakasusukaaahh!

Nang mapanood nga ng baklang yokaba ang ginawa nina Anne at Tiyang Amy ay hindi siya nakakibo at nagsabing hindi raw siya nag-e-expect na manalo since hindi naman siya masyadong nakapag-rehearse dahil sa siya’y nagkasakit.

Hay naku, huwag na lang mag-contest-contest kung hindi lang naman magiging fair ang judging. Magtigil-tigil na nga kayo sa mga contest-contest na ‘yan na hindi naman fair ang judging at lutong Macao!

‘Yun lang!

RYZA CENON AYAW NA NG BOYFRIEND NA TAGA-SHOWBIZ

RYZA Cenon’s main goal nowadays is to build her dream house in a lot that she RYZA CENONbought  for that purpose. No wonder, she’s working double time these days.

Ryza is not wanting of any job of late. Right after the completion of The General’s Daughter last October 4, she was busy with the taping of her action series under the Sari-Sari Channel banner. On top of that, she is busy, too, with an action movie that she is doing right now titled Delta, where she is co-starring with Phoebe Walker and  Cindy Miranda.

Dahil sa kanyang work commitments kaya no time for love ang petite na Viva actress.

Besides, hindi pa raw siya handang magmahal muli.

Ayaw na raw niya sa taga-showbiz for the simple reason that having a relationship with a showbiz guy is veritably tiring. Suffice to say, parang na-trauma nang husto ang aktres sa pakikipagrelas­yon sa kapwa artista.

Kung magkakaroon daw siya ng bagong boyfriend, she’s hoping that he would be out of show business and that he would be the last. She’s too old for playtime relationship since she’s turning 32 on December 21.

Nape-pressure raw siya dahil ‘yung mga contemporaries niyang may mga anak na. Kapag may mga get-together nga raw sila, she feels veritably out of place.

Nag-uusap daw kasi ang mga kaibigan niya sa kanilang mga babies. Siya naman, walang mai-share kundi ang alagang aso.

Trip outside of the country ang gusto niyang reward right after 9 months of non-stop taping for The General’s Daughter.

KASAMAAN NINA AIKO AT ELIJA NAKAPANGINGINIG NG LAMAN

GRABE naman ang pangbi-brainwash na ginawa ng character ni Aiko Melendez naAiko and Elijah si Kendra kay Lady Prima (Chanda Romero) in connection with Katrina Ha­lili’s character Lilian.

Sinira-siraan talaga niya ito (Lilian) habang sila’y kumakain ni Lady Prima kaya nang magkaharap na sila (Lady Prima and Lilian) ay nakataas na ang kilay nito at pinagsalitaan ng kung ano-ano ‘yung tao.

Isa pang nakapandidiri ang kaplastikan at pagkamaldita ay itong si Elijah Alejo na kasumpa-sumpa ang character na ginagampanan (Brianna). Ang sarap talagang lamukusin ang bibig kapag nagme-make faces habang niyayakap ni Lilian. Hay, naku! Hahahaha!

Sobrang naapektohan talaga ako sa kawalanghiyaan nina Aiko at Elijah na ang hindi lang kayang brainwash-in ay si Jaime Claveria (Wendell Ramos).

Anyway, nakatutuwang number one na sa kanyang timeslot ang Prima Donna dahil ganda ng kwento nito na malapit talaga sa ating mga puso.

Please do watch. Mapanonood ito right after Magkaagaw!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

2 thoughts on “PANALO NI VICE GANDA LUTONG MACAO”

Comments are closed.