PANANAHI NG DAMIT (Magandang libangan at hanapbuhay)

MAHAL ang damit, liban na lamang kung binili ninyo sa ukay-ukay. At kung sa ukay-ukay nga, siguradong hindi kasya kaya kailangan ang repair. Mas maganda kung kaya ninyong gawin iyan. Madali lamang naman, at higit sa lahat, mura.

Noong January, nagbukas po ako ng maliit na tindahan ng damit. At maniniwala ba kayong ang puhunan ko lamang dito ay P2,000? Pero ang kinita ko po ay umabot sa P10,000. Tubong nilugaw, ano po? Kung gusto po ninyong swertihin ding tulad ko, sundin ang ilang tips ng inyong lingkod.

Una, kaila­ngan munang matuto ka­yong gumawa ng sarili ninyong damit. Pwede rin namang kumuha kayo ng mana­nahi ngunit magastos ito. Kung kayo kasi mismo ang gagawa ng mga damit, masusunod ninyo ang design na nais ninyo.

Ikalawa, ma­ging creative kayo sa pagde-design. Simple po lamang ang basics sa paggawa ng bestida, blouse at palda, ngunit kung creative kayo, iba-ibang disenyo ang mapalalabas ninyo. Bukod dito, magi­ging unique ang inyong mga damit dahil wala itong katulad sa kahit saang mall.

Ikatlo, dapat ka­yong maging matiyaga sa pamimili ng mga damit sa ukay-ukay. Mas malaki ang tela, mas maganda ang inyong magagawa, kahit pa old fashioned ang design.

Hindi ang design nila ang inyong ibebenta kundi ang design ninyo, kaya wala tayong pakialam kung pangit ang design nila. Ang importante sa atin ay ang klase ng fabric o tela at ang mga magagandang botones na pwede nating ma-recycle.

Medyo matagal pong mamili sa ukay-ukay pero sulit naman kung makakakita kayo ng maganda. Sana lang po, bago kayo mamili ng facbric ay alam na ninyo ang disenyong inyong gagawin para hindi kayo masyadong mahirapan.

Ako po kasi, saka lamang ako nakakaisip ng disenyo kapag nakakita na ako ng tela. — NV

5 thoughts on “PANANAHI NG DAMIT (Magandang libangan at hanapbuhay)”

  1. 806749 51811For anyone one of the lucky peoples, referring purchase certain products, and in addition you charm all with the envy of all of the the a lot of any other individuals around you that tend to have effort as such make a difference. motor movers 92311

Comments are closed.