PANANAW SA KINABUKASAN KAAGAPAY ANG AI

Sa masinsing karera ng technological advancements, ang konsepto ng mataas na uring teknolohiya ang nagbabantay at namumuno sa mga uncharted territories. Kung tatanawin natin ang malayong bukas, malinaw na artificial intelligence (AI) ang nangunguna sa tinatawag na technological renaissance.

Bilang isang taong isinilang sa pagitan ng millennial at Gene­ration Z, na­ranasan ko at nau­nawaan ko ang pagkakaiba ng bawat teknolohiya — mula sa dial-up internet noong 90s hanggang sa kasalukuyang      iPhone 16 na pinapangarap kong mabili.

Bawat kumpanya ngayon, o kahit bawat tao, ay gustong makisabay sa elite technology, upang malagpasan ang mga conventional boundaries. Mula sa biotechnology at quantum computing hanggang sa space exploration at sustainable energy na hirap na hirap maunawaan ng mga batang 70s at 90s,  dito na guma­galaw ang ating mundo. Dito sa convergence na ito nagmula ang AI, hindi lamang bilang kagamitan, kundi bilang orchestrator, na nagbibigay ng kinakaila­ngang intelligence and adaptability upang lakbayin ang masalimuot na mundo, na hindi mo na kailangang tumayo sa silya mo.

Ngayo’y napakahalaga na nga ng AI. Ang machine learning algorithms, subset ng AI, ang nagbibigay ng kapangyarihan sa systems upang kilalanin ang patterns, pinoproseso ang napakaraming datasets, at gumawa ng informed decisions. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, nakatutulong ang AI upang makaagapay tayo sa mga hamon.

Isa sa mga defining traits ng elite technology ay ang kanyang predictive prowess. Kaya ng AI na mag-analyze ng historical data at i-predict ang future trends, tinalo pa si Nostradamus at Madam Auring. Nahuhulaan niya ang market trends, nao-optimize ang supply chains, o nae-enhance ang energy efficiency. Hindi matatawaran ang efficiency ng AI.

Pero dahil halos lahat nga ay kaya ng elite technology, paano na ang tao? Ano pa ang gagawin ng tao? Mawawalan sila ng trabaho!

Sa pangkalahatan, ang Elite Technology, sa tulong ng AI, ang tulay sa mas makabagong technological development.

Ito ang pwersang tutulong upang mas mapagaan ang buhay ng tao. Walang duda, mapagagaan nga ng teknolohiya ang buhay ng tao, ngunit makabubuti nga ba ito?

Bilang batang 90s, naranasan kong maglaro ng patintero, tagu-taguan, luksong baka, baril-barilan, Chinese garter at marami pang iba. Naranasan kong mahulog sa puno ng bayabas, manungkit ng santol, at magnakaw ng bunga ng mangga ng kapitbahay sa probinsya.

Naloko rin naman ako sa candy crush noong late 90s at early 2000, pero alam kong balansehin ang sitwasyon. Ang mga kabataan kaya ngayon, lalo na ang Generation Alpha at Beta, may puno pa kaya silang aakyatin?

JAYZL VILLAFANIA NEBRE